So I haven't posted for over a month. But it doesn't mean na walang nangyayari sa akin. Ito ang mga natutunan ko sa nakaraang buwan.
1. Ang sarap-sarap ng halo-halo ng Razon sa Pampanga. Alam mo yun, walang masyadong sahog, yung tipong OA na sahog, pero malinamnam pa rin. Meron lang siyang saging, niyog, leche flan, milk at ayon nga kay Spanky, isang special, secret ingredient. Ano kaya yun?
2. Kaya ko palang magtrabaho para sa pera. Yun na yun. How else can you explain working in a government company for the past 7 months? Pero yun nga, magre-replay yung show ng isang season, so hindi ako kikita for mga 2 months, unless tumanggap ng segment producer (gasp!) duties.
3. Pag may nakita kang isang bagay na gustong-gusto mo at may pera ka naman, bilhin mo na! Goodbye, Zero 7 sa Li Jiang. Bibili ba ako ngayon sa halagang P500 o ibuburn ko na lang yung kay Abi? Problema, ayaw tumugtog ng pirated ang cd player ko.
4. Hindi na pareho ang metabolism ko ngayon compared to last year. Dati, maski kumain ako nang marami today, gigising ako with a flat stomach. Nowadays, pag kumain ako ng kaunti today, gigising ako with a preggy stomach. Ngayon pa naman ako nag-iipon ng lakas na loob na mag-two piece. Unfair talaga.
5. Posibleng hindi matupad ang pangarap kong magperform with a band. Lalo na't kung wala akong ginagawang mga hakbang patungo rito. Gusto ko, rhythm guitar. Pero nawala na yung mga dating kalyo sa daliri gawa ng pagtugtog ng mga complicated chords.
6. Nagtatrabaho ako sa TV pero hindi ako mahilig manood ng TV. Actually, dati ko pa ito alam. Gusto ko lang isulat kasi aliw. Mas gusto kong magbasa ng libro.
7. KSP pala ako. Pacool-cool lang ako dati pero deep inside, naku, baby rin pala. Yakker.
So bakit nagpopost na ako ng tagalog? Alaskado na naman ako kay Spanky nito. Kasi feel ko lang. Parang mino-mock ko ang sarili kong blog. Enjoy naman. :)